Duterte, aminadong walang pondo para sa libreng tuition sa mga SUC’s

 

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pera ang gobyerno para sa pagpapatupad ng bagong batas na magbibigay ng libreng matrikula para sa mga estudyante ng mga State Universities at Colleges.

Ayon kay Pangulong Duterte, maging ang Kongreso ay batid na walang pagkukunan ng pondo ang Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Una nang Noong Sabado, nilagdaan ng Pangulo ang naturang batas sa kabila ng pagdadalawang-isip ng kanyang economic managers dahil sa malaking pondo ang kakailanganin upang maipatupad ito.

At dahil nasa Kongreso na ang Proposed 2018 National Budget, , posibleng i-realign na lamang ang pondo ng ibang ahensya ng gobyerno at ilaan sa libreng matrikula ng mga estudyante ng SUC’s.

Bukas, Miyerkules, nakatakdang magkipagdayalogo ang Department of Budget ang Management sa Commission on Higher Education, TESDA at mga opisyal ng UP Systemsa House Appropriations Committee at Senate Finance Committee opang alamin ang kakailanganing budget ng naturang batas.

Ang libreng matrikula para sa mga college students sa mga SUC’s ay ipatutupad sa susunod na school year 2018-2019.

Read more...