DLSU-Manila, walang pasok ngayong araw dahil sa ASEAN road closures

 

Twitter/DLSU-Manila

Suspendido ang klase sa lahat ng antas at mga opisina sa De La Salle University – Taft Campus ngayong araw, August 8, 2017.

Sa post ng opisyal na Facebook page ng De La Salle University, ang naturang suspensyon ng klase ay dahil sa mga schedule na road closures at inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Ito’y kaugnay pa rin ng ika-50 ASEAN Foreign Ministers meeting na magtatapos ngayong araw.

Ayon pa rin sa Office of the Chancellor ng naturang unibersidad, bawal pumasok ang sinuman sa loob ng campus.

Samantala, una na ring nag-anunsyo ng suspensyon sa lahat ng antas ang lokal na pamahalaan ng Tacloban City, pati na ang Manila Tytana College sa Pasay City.

Wala ring pasok ang lahat ng antas at opisina sa University of Santo Tomas at Colegio de San Juan de Letran dahil naman sa pagdiriwang ng pista ni St. Dominic de Guzman.

Read more...