North Korea nagbanta ng paghihiganti laban sa sanctions na ipinataw ng UN

 

Maghihiganti ang North Korea laban sa United States bilang tugon sa sanctions na ipinataw ng United Nations dahil sa pinakahuling paglunsad nito ng intercontinental ballistic missiles.

Nagbabala ang North Korea na palalakasin pa nito ang nuclear arsenal ng bansa.

Sa pamamagitan ng state media nito, ipinahayag ng North Korea na hinding hindi mapipigilan ng UN sanctions ang nuclear programs nito hangga’t patuloy ang anila’y hindi magandang pakikitungo ng US.

Dagdag pa ng North Korea, isang marahas na paglabag sa soberanya ng bansa ang ipinataw na sanctions na dulot ng umano’y plano ng US na ihiwalay ito.

Dalawang araw na ang nakalipas mula ng aprubahan ng UN Security Council ang panibagong sanctions laban sa US, kabilang ang ban sa exports na nagkakahalagang mahigit isang bilyong dolyar.

Ayon kay Nikki Haley, US ambassador to the UN, ito na ang single largest economic sanctions package na ipinataw laban sa North Korea.

 

Read more...