Sa isang seremonya sa MPD grounds ay pinasinayaan ni Dr. Rene Escalante ang unveiling ng tabing ng Pananda ng Kasaysayan.
Ang Manila Police ay itinatag noon pang 1901 sa panahon ng labanan ng mga Amerikano at Pilipino kung saan ang tawag sa mga pulis noong panahong iyon ay pulisyang-sibil.
Samantala, ikinagalak naman ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel ang pagkakatatag ng MPD bilang isa sa mga makasaysayang istruktura sa bansa.
Dahil dito ay hindi na aniya maaring isangla o ibenta ang gusali ng MPD.
Maari na rin umano itong magamit sa mga educational tour.
Malaking karangalan din umano kay Coronel na sa panahon niya itinatag ang pagiging historical ng MPD.
Narito ang buong report ni Ricky Brozas: