Paolo Duterte, idinadawit sa lagayan sa BOC

Nasabit na rin ang pangalan ng Vice Mayor ng Davao City na si Paolo Duterte sa lagayan sa Bureau of Customs.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni Customs Broker na si Mark Taguba na sinasabi ng isang Tita Nani, isang Jake at grupo nito na kumokolekta sa kanya ng P10,000 na mayroon pang Davao Group ang nasa likod nito.

Sinabi ni Taguba na binabanggit ng mga ito ang pangalan ng Vice Mayor ng Davao.

Gayunman, sabi ni Taguba tsismis lamang ito sa kanya na umiikot din sa BOC.

Bago ito, humingi ng executive session si Taguba dahil nangangamba ito sa kanyang seguridad.

Read more...