Sa Department Order 517, inatasan ni Aguirre ang NBI na imbestigahan at bumuo ng posibleng kaso batay sa affidavit ni Patricia Bautista kung saan nakasaad na bigong isapubliko ng Comelec chief ang nasabing yaman sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Madedetermina sa isasagawang imbestigasyon kung nilabag ba ni Bautista ang Anti-Money Laundering Act at iba pang batas na may kaugnayan dito.
Nabatid na limang araw bago isumite ni Mrs. Bautista ang kanyang affidavit sa NBI, nakipagkita ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong July 26.
Sinabi nito sa pangulo ang tungkol sa bank passbooks at iba pang dokumento na naglalaman ng mga detalye ukol sa bank accounts at real estate properties na nakapangalan kay Chairman Bautista at sa iba niyang kamag-anak.
Kabilang aniya sa mga asset umano ni Bautista ay ang isang condominium unit sa San Francisco, California na hindi niya alam.
Iginiit ni Mrs. Bautista na hindi kasama sa 2016 SALN ng Comelec chairman ang naturang condominium.
Una nang itinanggi ni Chairman Bautista ang naturang mga alegasyon ng kanyang asawa.