Ayon kay Customs Deputy Commissioner Natalio Ecarma, mayroong ‘dental emergency’ si Faeldon at siya ay nasa ospital ngayon kaya hindi makakadalo sa hearing.
Pero hindi kumbinsido ang mga mambabatas sa nasabing dahilan ni Faeldon at iginiit na dapat itong sumipot sa kamara ngayong araw.
Ayon kina Representatives Miro Quimbo at Rodel Batocabe, dapat pa ring magtungo sa pagdinig si Faeldon sa kabila ng sinasabi nitong dental emergency.
Samantala, hiniling ni Cong. Raul Daza sa komite na huwag nang kwestyunin ang mga inimbitahang manlalaro na umano ay kinuhang intel agents ng BOC.
Gayunman, ang hiling na ito ni Daza ay tinutulan ng mga kapwa niya mambabatas dahil kinakailangan umanong pagsalitain ang mga manlalaro kaugnay sa pagtanggap nila ng sweldo sa ahensya.