Dayuhan, arestado matapos murahin ang isang konsehal sa Davao City

Inaresto ang isang American national matapos murahin ang isang konsehal sa Davao City.

Ayon sa ulat, kinilala ang dayuhan na si Gary Joseph Maraviglia.

Minura umano nito si Davao City 2nd District Councilor Al Ryan Alejandre sa loob ng isang mall.

Nabatid na inakusahan din ni Maraviglia si Alejandre na nilitratuhan ang kanyang credit card at gagamitin umano ng konsehal sa iligal na aktibidad.

Bukod dito, hinamon pa umano ng dayuhan si Alejandre sa isang suntukan.

Batay sa reklamo na inihain ni Alejandre sa pulisya, ipinagmayabang pa ni Maraviglia na hindi siya pwedeng arestuhin dahil siya ay isang US citizen.

Si Alejandre ang chairman ng international relations and tourism committee sa Davao City.

 

 

 

 

Read more...