Ilang bahagi ng Quezon City, makararanas ng 6 na oras na brownout

Makararanas ng anim oras na power interruption ang ilang bahagi ng Quezon City ngayong araw ng Lunes, August 7.

Sa abiso ng Meralco, simula alas 10:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 4:00 ng hapon ang power service interruption.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng 7th Street mula Doña M. Hemady St. hanggang Gilmore Ave. pati na na ang Daughters of St. Mary of Leuca Convent sa Bgy. Mariana.

Ayon sa Meralco mayroon silang reconductoring works at magkakaroon din sila ng installation ng karagdagang lightning protection devices sa bahagi ng 7th St. sa Brgy. Mariana, New Manila, Quezon City.

Samantala, apektado rin ng anim na oras na power interruption ang bahagi ng 7th St. mula Broadway Ave. hanggang Gilmore Ave. sa Brgy. Mariana sa Miyerkules, August 9.

 

 

 

 

 

 

Read more...