Nilinaw ng isang ahensya sa China na walang kinalaman ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu dito sa bansa.
Ayon sa pahayag ng BOC, nakatanggap sila ng liham mula sa International Enforcement Cooperation Division ng General Administration of Customs of China (GACC) tungkol sa isyu.
Nakasaad sa liham na may petsang July 17, 2017, na walang anumang illegal drug shipments ang ipinadala mula sa China patungo sa Pilipinas sa kasagsagan ng panahong iyon.
Ayon kay Anti-Smuggling Bureau (ASB) Head Zhang Xiaohui, base sa kanilang intelligence information, wala naman silang na-detect na sinumang Pilipino na nasangkot sa pagpasok ng iligal na droga sa Pilipinas.
Nagpasalamat rin si Zhang sa Customs Intelligence and Investigation Service at BOC dahil sa agaran nitong pagkilos upang mapigilang makarating sa merkado ang 605 kilo ng iligal na droga.