Kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang dating gobernador ng Romblon na si Eleandro Jesus Madrona at ang anim na iba pa kaugnay ng P4.8- million fertilizer fund scam noong 2004.
Ayon sa Ombudsman, nilabag ni Madrona ang Section 3(e) ng R.A. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos ibigay ang kontrata para sa liquid fertilizers sa Feshan Philippines nang hindi nagsasagawa ng public bidding.
Kabilang sa mga akusado sina Elisa Morales ng Feshan Philippines; si dating provincial administrator Joel Sy; dating provincial treasurer Ruby Fababeir; dating provincial agriculturist Geishler Fadri; mga dating senior agriculturist na sina Anthony Rugas at Oscar Galos at ang dating assistant departmend head of the general services office na si Anthony Rugas.
Pinasok ni Madrona ang isang kontrata para sa 3,333 na bote ng liquid fertilizers na nagkakahalaga ng 1,500 pesos kada isa o P4,863,823.19 sa kabuuan.
Iginiit ng mga prosecutors na hindi ikinonsidera ng mga akusado ang implementing rules and regulations ng RA 9184 Government Procurement Reform Act.
Hindi raw nabigyan ang pamahalaan ng pagkakataong makakuha ng pinakamagandang offer dahil sa hindi ito dumaan sa bidding.