Usher irereklamo ng babaeng nahawahan umano nito ng STD

 

Nanganganib na masampahan ng reklamo ang R&B singer na si Usher dahil sa pagkabigo umano nitong ipaalam sa kanyang nakatalik o naka-sex na mayroon itong Sexually Transmitted Disease (STD).

Inanunsyo ng celebrity attorney na si Lisa Bloom na lalantad ang isa sa kanyang tatlong babaeng kliyente na umano’y ‘biktima’ ni Usher at nahawahan nito ng genital herpes.

Sa isang statement sinabi ni Bloom na nahawahan ng singer ang kanyang mga kliyente nang makipagtalik ang mga ito sa mang-aawit noong 2012.

Noong 2009, lumabas ang balita na nagkaroon ng herpes si Usher at noong 2012 ay nakipag-areglo ito sa isang babae na nahawahan din diumano nito ng naturang karamdaman.

Sa ilalim aniya ng batas, ipinagbabawal na itago ng isang maysakit ng STD ang kanyang karamdaman sa kanyang katalik, ayon sa abogado.

Kung sakaling matuloy ang paghahain ng reklamo laban kay Usher, ito na kanyang magiging ikatlong kasong kakaharapin na may kaugnayan sa umano’y naging sakit nitong herpes.

Read more...