Pormal ‘in-adopt’ ng mga bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at China ang ‘framework’ upang isulong ang karagdagang negosasyon para sa ‘Code of Conduct’ sa South China Sea.
Kapwa sumang-ayon ang mga foreign ministers ng sampung bansang kasapi ng ASEAN at kinatawan ng China sa naturang hakbang.
Pinaboran ng mga foreign ministers ang three-step process na unang ipinanukala ng kampo ng China.
Kabilang dito ang opisyal na pagtanggap sa ‘framework’, pagsasagawa ng konsultasyon ukol dito ngayong Agosto at pag-aanunsyo ng pormal na pag-uusap sa buwan ng Nobyembre.
Gayunman, hindi pa matukoy ni Foreign Minister Wang Yi ng China kung magiging ‘legally binding’ ang isang ‘Code of Conduct’ sa naturang rehiyon.
Samantala, ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, mananatili ang kooperasyon sa pagitan ng ASEAN at China at magsasagawa ng mga confidence-building measures upang manatiling matiwasay ang sitwasyon sa rehiyon.