Ang Marantao ay kalapit-bayan lamang ng Marawi City kung saan nagpapatuloy ang opensiba ng militar laban sa Maute terror group.
Dakong alas 7:00 ng umaga nang unang makarinig ng malakas na pagsabog malapit sa isang eskwelahan sa Bgy. Ragaya kung saan papasok ang mga estudyante na nagsasagawa ng special classes.
Sinundan ito ng mga pagbagsak rin ng isa pang bomba malapit sa bahay ng opisyal ng UN World Food Programme.
Dalawa pang bomba ang bumagsak di-kalayuan sa naunang mga pagsabog ngunit maswerteng hindi ito pumutok.
Kasunod nito, ilan pang bomba ang bumagsak at sumabog sa Bgy. Matampay sa bayan ng Marantao.
Dahil dito, nag-panic ang ilang residente at nagtakbuhan patungo sa munisipyo sa pangambang magpatuloy ang pagbagsak ng mga bomba.
Samantala, mariing itinanggi ng militar na nagmula sa kanilang mga eroplano ang mga bombing bumagsak sa Marantao.