Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, ikinatutuwa pa nilang malaman na nasa Marawi pa nga ang tatlong lider ng mga terorista dahil mas matatapos na talaga nila ang problema sa Marawi.
Bagaman ito ang kanilang pangunahing layunin, sinabi naman ni Arevalo na hindi lang ang pag-neutralize sa naturang tatlong lider ang kanilang target gawin.
Ani Arevalo, nais rin nilang ma-neutralize ang iba pang mga lider ng naturang terror group dahil oras na mawalan sila ng mga pinuno, mawawalanng rallying point ang kanilang mga taga-suporta.
Samantala, aminado naman si Arevalo na hindi agad masusupil ang terorismo sa pamamagitan lang ng pag-neutralize sa mga lider.
Gayunman, naniniwala sila na malaki pa rin ang maitutulong nito.