Ayon kay Alan Tanjusay, Tagapagsalita ng Associated Labor Unions-TUCP, malaking tulong sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya na mabigyan ng libreng matrikula ang mahigit isang milyung mahihirap na mag-aaral na nasa State Colleges and Universities at dalawan’daang libo na nasa vocationbal at technical schools.
Sinabi ni Tanjusay, dahil sa bumababang purchasing power ng sahod at mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo ay marami sa mga mahihirap na kabataan ang humihinto sa pag-aaral.
Kapag naipatupad na aniya ang batas ay maraming out-of -school youth din ang maiiwas sa droga.
MOST READ
LATEST STORIES