Pimentel, SC, kinondena ang pagkamatay ng isang husgado sa Butuan City

Inquirer file photo

Kinondena nina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, Chief Justice Maria Lourdes Sereno at mga opisyal ng Korte Suprema ang pagkamatay ng isang husgado sa Butuan City kahapon ng umaga.

Sa inilabas ng pahayag ng SC, ipinanawagan nito sa mga otoridad na magsagawa nang mabilis na aksyon sa naturang insidente.

Giit naman ni Pimental, insulto sa Philippine National Police (PNP) ang kaso kung kaya’t dapat aniyang maresolba agad ang krimen.

Napatay si Judge Godofredo Abul Jr. ng Butuan City Regional Trial Court Branch 4 sa loob ng kaniyang tirahan kahapon bandang alas siyes ng umaga.

Kasama namang nasaktan sa naturang insidente ang kaniyang asawa.

Read more...