8 katao ang bahagyang nasaktan at nasugatan sa banggaan ng 2 bus sa EDSA P. Tuazon northbound sa Quezon City.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ala-1:00 ng hapon, biglaang bumangga ang Malanday Metro Link Bus sa nasa harapan nitong Del Carmen Bus.
Dahil dito, nagkaroon ng bugbog o galos sa katawan ang mga pasahero ng Metro Link may plakang ABG 3143.
Sa ngayon, dinala na sa East Avenue Medical Center ang 6 na sugatan habang pumirma naman ng waiver at nagpapagaling na sa bahay ang 2 iba pa.
Samantala, nagkaroon din ng banggaan sa bahagi ng EDSA Pioneer Northbound pasado ala-1:27 ng hapon.
Nagkaroon naman ng bahagyang pagbagal ng trapiko sa parehong daanan dahil kumain ng 1 linya ang aksidente.
MOST READ
LATEST STORIES