Ito’y para mas mapabilis ang imbestigasyon sa ginawang pag-ambush sa dating journalist at sa kapatid nitong negosyante sa San Juan City noong Huwebes ng gabi.
Paliwanag ni EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sepitula, tututok ang Task Force sa pagbibigay ng hustisya kay Michael “Mike” Marasigan at Christopher Marasigan.
Hinirang naman si P/Supt. Florendo Quibuyen, Deputy District Director for Operations na pinuno ng Task Force.
Ayon kay Sapitula, isyu na kinalaman sa trabaho at personal na away ang angulo na tinitignan nila sa krimen.
Samantala, papasok na rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa pagtambang sa dalawa.
MOST READ
LATEST STORIES