Maglalabas ng bagong disensyo ng passport ang Department of Foreign Affairs.
Ito’y kasunod na rin ng pagladga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 10928 o batas na nagpapalawig sa passport validity ng 10 taon mula sa 5 taon.
Ayon sa DFA, maglalabas sila ng bagong design ng passport sa susunod na taon bukod sa disenyo na nakikita sa na-isyung passport sa ngayon.
Pinaplantsa na rin daw ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng naturang batas nang sa gayon ay tuluyan na itong maipatupad.
Para naman sa mga minor de edad, 5 years validity lamang ang ipagkakaloob sa kanila.
Ang bagong disensyo ng passport ay para mas maging ligtas sa fraud at forgery ang mga gumagamit nito.
MOST READ
LATEST STORIES