2 patay sa heat wave sa Italy at Europe

Kasalukuyang naaapektuhan ng heat wave ang southern at eastern Europe at maging ang ilang bahagi ng Italy simula pa noong nakaraang Biyernes.

Sa sobrang init, pinangalanan na ang heat wave ng “Lucifer” dahil umabot sa mahigit 40 degrees celsius ang temperatura, at nagdulot na ito ng forest fire.

Hindi bababa sa dalawa katao ang naitalang nasawi kung saan isa dito ay mula sa Romania, at ang isa naman ay sa Poland.

Bukod dito, marami na ang isinugod sa ospital matapos makaranas ng sunstroke at iba pang heat-related conditions.

Sa Albania, aabot sa tatlongdaan na bumbero at sundalo ang nagsanib pwersa sa pagtupok sa hindi bababa sa pitumpu’t limang forest fire na dulot ng heat wave.

Inaasahang mananatili sa 40 degrees celsius ang temperatura sa nabanggit na mga lugar hanggang sa susunod na linggo, kung kaya inaabisuhan ng mga otoridad ang publiko na dagdag ang pag-inom ng tubig.

Ayon kay Jeyu Kulasingam, health coordinator ng International Federation ng Red Cross at Red Crescent Societies sa Europe, lubhang mapanganib ang matinding init ng panahon sa publiko, lalo na sa mga indibiduwal na mayroong problema sa kalusugan gaya ng sakit sa puso, high blood pressure at asthma.

Bukod dito, mapanganib din aniya sa mga bata at matatanda ang nararanasang heat wave, kung kaya mahalaga na manatiling hydrated at uminom ng maraming tubig.

Read more...