Konsehal ng Pasay City patay matapos tambangan sa labas ng isang mall sa Las Piñas

Pumanaw na ang konsehal ng Pasay City na si Councilor Borbie Rivera matapos tambangan sa labas ng SM Southmall sa Las Pinas.

8:57 ng gabi nang ideklarang dead on arrival sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa ang 39-anyos na konsehal.

Ayon kay Sr. Supt. Marion Balonglong, Chief of Police ng Las Pinas, nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Naganap ang pamamaril sa Door 4 ng mall, pagkalabas lamang ng biktima papunta sa parking area.

Sakay umano ito ng kanyang wheelchair nang lapitan ng nakamotor na mga suspect.

Nilinaw naman ng Southern Police District hindi pagnanakaw at wala ring anggulo ng terorismo ang nangyari sa naturang mall.

Ayon kay Kim Molitas, tagapagsalita ng SPD, tanging pagpatay ang motibo sa likod ng pamamaril.

Balik na rin sa normal ngayon ang operasyon ng SM Southmall.

Read more...