Meralco substation sa loob ng Urdaneta Village sa Makati nasunog

Photo; MMDA

Natupok sa sunog ang Meralco substation na matatagpuan sa Urdaneta Village sa Makati City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), posible umanong napabayaang koneksyon ng kuryente ang pinagmulan ng sunog na umabot sa second alarm.

Dahil sa makapal na usok ay nagkaroon rin ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa bahagi ng Edsa ayon sa ginawang pagmomonitor ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Wala namang naireport na nasugatan o namatay sa nasabing sunog habang inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Read more...