Bukidnon niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Bukidnon.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naganap ang pagyanig dakong 3:39 ng hapon.

Naramdaman ang epicenter nito sa layong 10 kilometro Hilagang Kanluran sa bayan ng Maramag.

Naranasan ang Intensity III sa Cagayan de Oro City at Kidapawan City.

Kaagad itong sinundan ng mga aftershocks kung saan ang pinaka-malakas ay maitala sa magnitude 4.0 kaninang 4:16 ng hapon.

Kaninang umaga ay niyanig rin ng magnitude 5.9 na lindol ang malaking bahagi ng Sarangani at Davao City

Read more...