Mga pasahero ng nag-overshoot na eroplano ng Cebu Pac nasa Maynila na

Inquirer photo

Sinabi ng pamunuan ng Cebu Pacific Air (CEB) na nakabalik na sa Metro Manila ang lahat ng mga pasahero ng kanilang eroplano nanag-overshoot sa runway ng Mactan Cebu International Airport.

Sa kanilang advisory, pasado alas-singko ng umaga kanina nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang mga pasahero ng nagka-aberyang eroplano na CEB Flight 5J556.

Ang 435 na mga pasahero ay isinakay sa Flight 5J570 makaraan ang mahigit sa labingisang oras na delayed.

Sinabi ng pamunuan ng Cebu Pacific Air na hanggang ngayon ay hindi pa rin naiaalis sa lugar ang nag-overshoot na eroplano at on-going ang kanilang imbestigasyon sa pangyayari.

Pasado alas-sais ng gabi araw ng Biyernes nang lumampas sa runway ang unahang gulong ng nasabing eroplano.

Dahil sa pagkakaharang nito sa runway ay umabot nang hanggang alas-onse ng gabi bago muling naibalik sa normal ang operasyon ng paliparan.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng pamunuan ng naturang airline company na naibigay naman nila ang lahat ng pangangailangan ng mga pasahero tulad ng pagkain.

Read more...