Ang nasabing mega rehab center na pinasinayaan ni Pangulong Duterte noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nasa pangangalaga ng Department of Health.
Bukod sa 53 na nakatapos sa rehab, mayroon pang 360 na nalulong sa droga ang kasalukuyang sumasailalim sa rehab sa mega DATRC.
Ang mega DATRC sa Nueva Ecija na kayang makaaccomodate ng mahigit 10,000 pasyente ay isa lamang sa dalawa na nais itayo sa Luzon, samantalang target ding magtayo ng tig-isang mega rehab sa Visayas at Mindanao.
Pinuri naman ng Deparment of Interior and Local Government o DILG ang inisyatibo at efforts ng DOH sa pagsasagawa ng mga rehab sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay DILG Assistant Sec. Epimaco Densing III, ang mga rehab efforts ng gobyerno ay malinaw na indikasyon nang epektibong kampanya laban sa iligal na droga para maibalik ang mga drug surrenderees sa normal at mas maayos na pamumuhay.