43 kinasuhan sa Nigeria dahil sa homosexuality

Kinasuhan ang 43 katao sa Nigeria dahil sa homosexuality.

Isang may-ari ng hotel at dalawa nitong empleyado ang inakusahan ng panghihikayat sa 40 iba pang lalaki na magtalik sa nasabing hotel.

Ayon sa mga otoridad, ang mga kasong isinampa sa kanila ay pawang “engaging in” at “aiding and promoting same sex sexual activities.”

Pinayagang mag-pyansa ang 40 sa kanila, kabilang ang 12 na menor de edad, matapos mag-plead ng not guilty, gayunman, isasailalim pa rin sila sa monitoring at “sexual rehabilitation.”

Samantala, hindi naman pinayagang mag-pysansa ang tatlo sa kanila dahil hinihintay pa ang rekomendasyon ng nakatataas na hukuman, at hindi rin sila pinayagang mag-plead.

Ayon kay State Attorney General Adeniji Kazeem, layon nilang wakasan na ang paggamit sa mga menor de edad na kabataang madalas na binibiktima ng mga kawatan at kriminal na gumawa ng mga iligal na aktibidad.

Labag kasi sa batas sa Nigeria ang gay sexual acts dahil sa pagiging konserbatibo ng naturang bansa.

Read more...