Mactan airport muli nang binuksan, replacement plane ipadadala ng Cebu Pacific

Muli nang nagbukas ang Mactan Cebu International Airport bago mag-hatinggabi ng Biyernes matapos maialis ang eroplano ng Cebu Pacific na lumampas sa runway.

Dahil dito magpapadala na ang Cebu Pacific ng replacement aircraft mula sa Maynila na magsasakay sa mga pasaherong naapektuhan nang maaksidente ang flight 5J570.

Ayon sa Cebu Pacific, ang estimated time of departure ng nasabing recovery flight ay alas-3:30 ng madaling araw, ngayong Sabado, August 5.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na bibigyan nila ng pagkain ang mga apektadong pasahero at tutulungan nila ang mga ito sa lahat ng kanilang mga kakailanganin.

Bibigyan rin ng kumpanya ang mga pasahero ng travel vouchers.

Read more...