WATCH: Negosyante, arestado matapos mahulihan ng iba’t-ibang baril

Hindi na nakapalag ang isang negosyante nang salakayin ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang kanyang bahay sa Carissa Homes Barangay Punta 1 Tanza, Cavite.

Nakilala ang suspek na si Rogelio Tabanao.

May negosyo si Tabanao sa scrap materials at trucking industry.

Ayon sa PNP-CIDG Anti-Transnational Crime Unit Commander Supt. Roque Merdeguia, sinalakay nila ang bahay ni Tabanao base na rin sa bisa ng search warrant na inilabas sa Regional Trial Court ng San Pablo, Laguna.

Nakuha sa negosyante ang isang AK47, isang 12 gauge shotgun at isang caliber 45. May isang informant aniya ang nag-tip sa kanilang hanay na may baril ang negosyante.

Aminado naman ang suspek na sa kanya ang mga nakuhang nakumpinskang baril at expired na ang mhga lisenya.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.

Narito ang buong report ni Chona Yu:

Read more...