Mga babae na hindi kagwapuhan ang mister, mas masaya ayon sa isang pag-aaral

INQUIRER.net Stock Photo

Lumitaw sa isinagawang pag-aaral ng mga researcher mula sa Florida State University na ang mga babae na ang mister ay hindi kagwapuhan ay mas masaya.

Ang ginawang pag-aaral ay may titulong “Adopting a dyadic perspective to better understand the association between physical attractiveness and dieting motivations and behaviors,”.

Isangdaan at labingtatlong bagong kasal ang isinailalim sa nasabing pag-aaral.

Inalam sa mga bagong kasal kung ang ‘overall attractiveness’ ay may kaugnayan sa antas ng kanilang relationship satisfaction.

Sa unang bahagi ng pag-aaral, pinabigyan ng grado sa mga participant ang kanilang ‘preferred desirability levels’ base sa face at body attractiveness.

Lumabas sa statistics na ang mga babae na mayroong gwapong mister ay may higher insecurity tendencies at gustong-gusto na makapagbawas ng timbang para mapasaya ang kanilang asawa.

Lumitaw din sa pag-aaral na ang pagkakaroon ng mister na na physically attractive ay may negative consequences para sa mga misis lalo na kung ang babae ay hindi kagandahan.

Pero ang mga babae na ang mister ay hindi gwapo ay walang pressure na nararamdaman at hindi napipilitang mag-diet na nagreresulta naman sa higher satisfactory relationship levels.

Bagaman maituturing na kagulat-gulat ang balita, sinabi ni lead researcher Tania Reynolds na wala namang dapat na ikabahala ang mga gwapong asawa.

Kinakailangan lang umano nilang ituloy ang magandang komunikasyon sa kanilang misis, maging reaffirming at patuloy na ipaalala sa kanila na sila ay maganda at mamahalin sila anoman ang hugis ng kanilang katawan.

 

 

 

 

 

Read more...