Pangulong Duterte, muling nagtungo sa Marawi City

PHOTO from Special Assistant to the President,

Sa ikalawang pagkakataon, muling nagtungo sa Marawi City si Pangulong Rodrigo Duterte, Biyernes, August 4.

Pinuntahan ng pangulo ang mga sundalo sa Marawi upang ipakita ang kaniyang pagsuporta sa mga ito.

Naglabas lamang ng ilang larawan ang Malakanyang sa naging pagbisita ng pangulo, subalit wala pang ibang impormasyon o detalye tungkol sa pagtungo niya sa war-torn area.

Alas 6:00 na ng gabi ng Biyernes nang makaalis sa Marawi ang pangulo.

Magugunitang ilang beses na ginusto ng pangulo na magtungo sa lungsod noong kasagsagan ng bakbakan pero ilang beses ding naudlot dahil sa masamang panahon.

Noong July 20 ay natuloy ang unang pagbisita ng pangulo sa Marawi kung saan kinausap niya ang mga sundalo sa Camp Ranao.

 

 

 

 

 

Read more...