Nabigong pagpapasabog ng IS sa isang eroplano sa Sydney, kinumpirma ng pulisya

Kinumpirma ng Federal Police sa Australia na tinangka ng Islamic State na magpasabog ngisang flight ng Etihad Airways sa Sydney noong nakaraang buwan.

Ayon kay Australian Federal Police Deputy Commissioner Michael Phelan, dalawang lalaki na sina Khaled Khayat, 49 anyos at Mahmoud Kayat – 32 anyosang kinasuhan nila ng two counts ng ‘planning a terrorist act’ dahil sa tangkang pasabugin ang isang eroplano s autos umano ng Islamic State.

Sa isinagawang imbestigasyon, si Khaled ang nagdala ng pampasabog sa Sydney airport noong July 15 na isinilid sa bagahe ng kaniyang kapatid na noon ay pasakay sa Etihad Airways.

Hindi umano alam ng kapatid na pampasabog ang ipinadala sa kaniyang bahage.

Pero sa hindi pa malinaw na dahilan ayon kay Phelan, hindi naisakay ng eroplano ang bagahe at sa halip, iniwan ang bag sa paliparan.

Isa pang lalaki ang hawak ngayon ng mga pulis habang ang isa pa na dinakip ay pinakawalan na.

Hindi naman kasamang kinasuhan ng mga pulis ang kapatid ni Khaled na dapat ay magdadala ng bagahe sa eroplano dahil napatunayan nitong wala siyang ideya na pampasabog ang laman ng bag.

Ayon kay Phelan, “military-grade explosive” na isasakay sana sa eroplano ay galing sa senior Islamic State member at ipinadala sa kaniyang mga tauhan sa Sydney sa pamamagitan ng air cargo galing Turkey.

Matapos maipadala, itinuro ng IS commander sa dalawang suspek kung paano i-assemble ang bomba.

Matapos mabigo sa plane attack, sinabi ni Phalen na sunod na inatupag ng mga terorista ang pagbuo ng chemical dispersion device na target nilang ilagay sa matataong lugar sa Sydney.

Sinabi ni Phalen na natuklasan ang terror plot ng mga suspek matapos silang makatanggap ng tip mula sa intelligence agencies noong July 26.

 

 

 

 

 

 

Read more...