No-fly zone sa bahagi ng North Korea, pinalawig ng Air France

Pinalawig pa ng kumpanyang Air France-KLM ang kanilang abiso na no-fly zone sa himpapawid ng North Korea matapos na dumaan kamakailan ang isa sa eroplano nito sa lugar kung saan pinakawalan ang intercontinental ballistic missile.

Ang flight 293 ng Air France na isang Boeing 777 na may lulang 323 na katao galing Tokyo patungo sa Paris ay dumaan sa himpapawid ng North Korea.

Sampung minuto makalipas ang pagdaan nito ay saka naman pinakawalan ang ICBM ng NoKor.

Dahil sa abiso ng no-fly zone, inaasahan na mas hahaba ng sampu hanggang tatlumpung minuto ang biyahe ng Air France patungong at galing Tokyo at Osaka.

Una nang nag-abiso ang North Korea na ang kanilang bagong ICBM ay kayang umatake sa mainland ng Amerika.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...