Saranggani, Davao Occidental at San Manuel, Pangasinan niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang bayan ng Saranggani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig alas 4:56 ng umaga sa sa 232 kilometers South ng Sarangani.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 34 kilometers.

Samantala, alas 7:14 naman ng umaga, tumama ang magnitude 2.9 na lindol sa bayan ng San Marcelino sa Pangasinan.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 8 kilometers East ng San Manuel.

May lalim na 23 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

Naitala naman ang intensity 3 sa bayan ng San Manuel.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...