Mataas na gusali sa Dubai na nasunog noong 2015, muling tinupok ng apoy

Photo: Dubai Media Office

Muling nasunog ang Torch Tower sa Dubai Marina na ang mahigit isang libong talampakan ang taas.

Ang nasabing gusali ay tinitirahan ng karamihan sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa Dubai.

Nasa 1,100 feet ang taas ng gusali na mayroong 70 na palapag.

Nasunog na rin ang Torch Tower noong February 2015 at ang external cladding nito ang sinasabing dahilan ng pagkalat ng apoy.

Dahil sa pagkasunog mahigit dalawang taon na ang nakararaan, isinailalim sa full renovation ang gusali na nagsimula nito lamang summer at nagpapatuloy pa sa ngayon.

Ayon sa civil defense ng Dubai, mabilis na nailikas ang mga nakatira sa gusali at wala pa namang napaulat na nasaktan.

Mahigit dalawang oras matapos iulat ng civil defense ang sunog ay sinabi nitong kontrolado na ang apoy.

“Fire at the Torch Tower has been brought under control. Cooling operations are underway. No inures have been reported,” ayon sa tweet ng Dubai Media Office.

 

 

 

Read more...