Residential area sa Malate, Maynila, nasunog

Singalong Manila | Kuha ni Cyrille Cupino

Nasunog ang isang residential area sa kanto ng Singalong at Quirino Avenue, Malate, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog 3:16 ng madaling araw.

Mabilis na itinaas ang alarma dahil may katabing gasolinahan ang mga kabahayan.

Pasaso alas-kwatro ng madaling araw nang itaas sa ika-limang alarma ang sunog.

Ayon sa BFP, aabot sa 12 kabahayan ang tinupok ng apoy, habang bahagyang nadamay ang isang junk shop at tinatayang 26 na pamilya ang nawalan ng bahay.

Posible umanong nagsimula ang apoy sa dalawang palapag na bahay ng isang Lucila Cabañero.

Isang fire volunteer naman ang nasugatan matapos magtamo ng paso sa kanang kamay.

Samantala, 5:43 nang ideklara nang fire out ang sunog.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection upang malaman ang pinagmulan at kung magkano ang halagang ng ari-ariang natupok ng apoy.

 

 

 

 

 

Read more...