Karagdagang 20,000 na sundalo, ayos lang sa AFP

Bukas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na karagdagang 20,000 panibagong mga sundalo.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ang panibagong tropa ay makakatulong sa pagpuno sa kakulangan matapos ang pagpapadala ng tropa sa Marawi at iba pang bahagi ng Mindanao.

Aniya, ito ay lubos na makakatulong sa mga lugar kung saan maliit ang bilang ng mga sundalo na siyang madalas binabalik-balikan ng mga New People’s Army (NPA).

Sinasamantala aniya ng NPA ang ganitong sitwasyon para makagawa ng mga pag-atake.

Maliban sa AFP Northern Luzon Command, ang panibagong tropa ay made-deploy sa AFP Eastern Mindanao Command at sa Visayas kung saan may presensya ang mga komunistang rebelde.

Sinabi pa ni Padilla, ang karagdagang tropa ay paghahanda para sa mas pinaigting na pagbabantay sa mga lugar na may banta ng seguridad.

Read more...