Mas marami pang lokal na opisyal, tumestigo laban kay Revilla

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Nasa tatlo pang lokal opisyal ang tumetisgo laban kay dating Senador Bong Revilla kaugnay sa umano’y anomalya sa pork barrel nito.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa plunder case ni Revilla ng Sandiganbayan First Division, tumestigo ang tatlong dating mga lokal na opisyal na wala silang natanggap na anumang farm implements at livelihood kits mula sa opisina nito o maging sa mga non-government organizations na pinili nito para paggamitan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sinabi nina Pangasinan Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim, dating mayor ng bayan ng Mapandan at ngayon ay mayor ng Tumauini, Isabela na si Arnold Bautista, na pineke ang kanilang mga pirma sa mga NGO certificates of acceptance, delivery reports at acknowledgement receipts ay pineke.

Sinabi naman ni Piat, Cagayan Vice Mayor Leonel Guzman na kailanman ay hindi nakatanggap ng anumang assistance ang kanilang bayan mula kina Revilla noong siya pa ang mayor kahit na ang kanilang bayan ay isa sa mga pinangalanang benepisyaryo ng nasa 3.9 milyong pisong halaga ng power sprayers at iba pang farm implements.

Nag-object naman ang abogado ni Revilla na si Estelito Revilla, dating Solicitor General, sa pagpresenta ng mga witness dahil aniya ang mga testimonya ng mga ito ay nakabase sa maling premise dahil wala naman ang pangalan ni Revilla sa mga dokumentong kung saan tumetestigo ang mga ito.

Ayon naman kay lead prosecutor Joefferson Toribio, ang mga naturang testimonya ay sang-ayon sa mga naunang testimonya ng primary state witness na si Benhur Luy at iba pang whistle blower na hindi naipatupad ang mga PDAF projects ni Revilla kung saan ang lahat ng mga liquidation reports at iba pang supporting documents ay umanoy pineke.

Read more...