Ayon kay acting US Assistant Secretary for East ASian and Pacific Affairs Susan Thornton, tatalakayin ni Tillerson ang lahat ng mga isyung may kinalaman sa alyansa ng Pilipinas at US, kabilang na ang tungkol sa human rights.
Sa ngayon ayon kay Thornton ay inaayos na ang posibleng pagpupulong ng dalawa.
Nasa bansa ngayong linggo si Tillerson para dumalo sa pinakamalaking security forum sa Asya.
Ayon naman kay Department of Foreign Affairs spokesman Robiespierre Bolivar, bukas naman ang Pilipinas na pag-usapan ang human rights record ng bansa.