Budget ng Department of Agriculture, pinadadagdagan ng mga kongresista

Isinusulong ngayon ng mga kongresista na dagdagan ang panukalang P60 bilyong budget ng Department of Agriculture (DA) para sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng House Appropriation Committee para sa panukalang 2018 budget, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, kailangang madagdagan ang ibibigay na budget upang mapondohan ang mga farm to market roads.

Nais naman ni A-Teachers Rep. Julieta Cortuna na dagdagan ang budget ng DA para matustusan ang kailangang pataba ng mga magsasaka.

Hakbang ito ng mga kongresista matapos gawing P60 bilyon ng DBM ang gastusin ng DA sa susunod na taon, taliwas sa hiling ni Agriculture Secretary Manny Piñol na P220 bilyon.

Umaasa naman si Piñol na maibibigay sa kanila ang hinihinging P220 bilyong budget, pero kung 3/4 lamang nito ang maaprubahan ay masaya na rin sila.

Kung hindi anya maibibigay ang kanilang nais na budget ay handa naman aniya silang pagkasyahin ito.

Read more...