WATCH: Aerial inspection isinagawa para sa pagsasaayos ng Ilog Pasig

Nagsagawa ng aerial inspection sa kahabaan ng Pasig River ang ibat-ibang tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng Office of the President kasama si Senator Manny Pacquiao.

Last stop ng inspection ng pinagsanib na puwersa ng Pasig River Rehabilatation Commission at Laguna Lake Development Authority ang Baseco Compound sa Maynila kung saan dito lumapag ang Chopper Lulan si PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia at Senator Pacquiao.

Aminado si Gotia na malaking Hamon ang rehabilitasyon ng Ilog Pasig para maipanumbalik ang likas na taglay nito.

Pakay din ng inspeksiyon na palakasin ang awareness campaign para maintindihan ng taumbayan ang mahigpit na pangangailangan para sa pagsasaayos ng Pasig River.

Sa ngayon ayon kay Gotia ay may mga pauna nang hakbang silang ginawa katulad nang pagpapaalis sa mga nakatira sa gilid ng Pasig River.

Samantala, sinabi naman ni Senator Manny Pacquiao na may mga kausap na silang investors para sa Pasig River Rehabilitation.

Batay umano sa kanilang pagtaya ay sabot ng tatlong taon bago makumpleto ang proyekto.

Narito ang buong report ni Ricky Brozas:

Read more...