Malacañang: Free tuition bill di pa tiyak na lulusot bilang ganap na batas

Kukunsultahin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang economic managers kaugnay ng panukalang gawing libre ang tuition fee sa mga State Universities and Colleges.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Anna Marie Banaag na kailangan munang makausap ng Presidente ang kanyang economic team lalo’t may mga bagay na dapat ikunsidera.

Isa na dito ang mga nakalinyang gastusin na kinakaharap ng pamahalaan gaya ng ikinakasang rehabilitasyon ng Marawi City.

Isa pa ay ang gugugulin sa pagpapauwi ng mga Overseas Filipino Workers na ayon kay Banaag ay hindi rin biro ang laki ng kailangang budget.

Hindi naman masabi ng mga opisyal sa Palasyo kung ibi -veto ng Pangulo ang nabanggit na enrolled bill o hahanapan ng paraaan para makalikom ng pondo para sa libreng tuition sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Read more...