Ginagamit na muli ng Armed Forces of the Philippines ang Fighter Jet na FA-50, ang eroplanong nasangkot sa accidental fire na ikinasawi ng dalawang sundalo sa Marawi City kamakailan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, ito ay dahil sa walang nakitang pagkakamali ang binuong board of inquiry sa hanay ng mga piloto o maging sa eroplano.
Gayunman, hindi na tinukoy ni Arevalo kung saang aspeto sumablay ang airstrike dahilan para tumama sa mga sundalo.
Sinabi ni Arevalo na sa ngayon ay magkakaroon na ng adjustment sa technique, tactics at procedure ang militar sa mga airstrike sa Marawi City para hindi na maulit ang naturang insidente.
Matatandaang dalawang sundalo ang nasawi habang labingisang iba pa ang nasugatan sa accidental fire ng militar noong July 12 habang sampung sundalo naman ang nasawi nang sumablay din ang airstrike ng military noong June 1 sa Marawi City.