Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos base na rin sa resulta ng crime laboratory sa paraffin test kay Mayor Parojinog.
Ayon kay Carlos, indikasyon ito na nagpaputok ng baril ang alkalde.
Mayroong dalawang gunshot wounds si Mayor Parojinog sa dibdib at mukha.
Gayunman, walang indikasyon na binaril ang alkalde nang malapitan.
Hindi na sumalang sa paraffin test ang asawa ni Mayor Parojinog na si Susan at kapatid na si Mona dahil walang nakuhang baril sa kanilang mga bangkay.
Gayunman, sinabi ni Carlos na mayroong blast injuries ang dalawa.
Mayroon din aniyang blast injuries ang kapatid ni Mayor Parojinog na si Provincial Board Member Octavio Parojinog.
Ayon pa kay Carlos, sa labing limang bangkay na nasawi sa operasyon, pito dito ang hindi na sinuri ng PNP Crime Laboratoy matapos tumanggi ang kani-kanilang pamilya.