Sa isang pahayag, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na ipinag-utos na niya ang paghahain ng mga kasong kriminal laban sa mga Binay.
Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon na aprubado noong August 1, pinakakasuhan ni Morales ang mag-amang Binay ng four counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at three counts ng Falsification of Public Documents.
Nag-ugat ang paghahain ng kaso laban kay Binay Sr. sa architectural design contract ng Makati Science Building
noong 2007 na nagkakahalaga ng P17.37 million sa kumpanyang Infiniti.
Sinabi din ng Ombudsman na ang mga construction contract na nagkakahalaga ng P1.33 billion na ibinigay sa Hilmarc’s Construction ay puno ng mga iregularidad.
Una nang naharap sa mga kasong multiple graft, malversation at falsification of public documents ang dalawang Binay sa Sandiganbayan dahil sa maanomalyang konstruksyon naman ng P2.2 billion na Makati car park building.