Dalawa ang patay sa pagsabog sa eskwelahan sa Minneapolis

Aaron Lavinsky Star Tribune via AP

Dalawa ang nasawi makaraang maganap ang pagsabog sa isang school building sa Minneapolis sa Minnesota, USA.

Naganap ang pagsabig sa utility area ng Minnehaha Academy habang ang mga estudyante ay naglalaro ng soccer at basketball.

Pawang pre-school hanggang grade 12 ang mga mag-aaral sa nasabing eskwelahan.

Ayon kay City Fire Chief John Fruetel, may isinasaayos sa gusali nang maganap ang pagsabog na pinaniniwalaang sanhi ng natural gas explosion.

Isa sa nasawi ay nakilalang si Ruth Berg, na receptionist sa nasabing paaralan sa loob ng 17-taon.

Ang 81 anyos naman si John Carlson at isang part-time janitor ay napaulat na nawawala at hindi pa kinukumpirma ng mga otoridad kung siya ang natagpuang ikalawang bangkay.

Apat naman ang nasugatan at isa sa kanila ay kritikal ang kondisyon sa Hennepin County Medical Center.

 

 

 

 

 

 

Read more...