Biyahe ng PNR nagka-aberya dahil sa binahang riles

Nakansela ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways (PNR) dahil sa binahang riles sa bahagi ng Paco station.

Ayon sa abiso ng PNR, kinansela ang biyahe ng tren alas 7:37 ng umaga mula sa Tutuban patungong Alabang.

Ito ay dahil unpassable umano ang riles sa Paco station bunsod ng pagbaha na may lalim na 5 inches.

Makalipas naman ang mahigit isang oras, agad ding humupa ang baha at naibalik sa normal ang biyahe.

Ayon kay PNR spokesperson Jocelyn Geronimo, alas 8:40 ng umaga ay naibalik din agad sa normal ang biyahe dahil bumaba sa 3 inches na lamang ang tubig baha sa riles sa Paco.

Sinabi ng pamunuan ng PNR na tuwing tumataas ang tubig baha, kinakailangang ikansela ang biyahe ng tren para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...