Ang ban ay epektibo simula sa September 1, 2017, kung saan lahat ng mayroong U.S. passport ay babawalan nang magtungo sa North Korea.
Nakasaad naman sa abiso ng U.S State Department ng ang mga mamamahayag at humanitarian workers ay maaring mag-apply para sa exemption sa ban.
Noong nakaraang buwan, sinabi na ng U.S. government na babawalan nito ang kanilang mamamayan na magtungo sa North Korea dahil sa banta ng ‘long-term detention’.
Sa ngayon, namumuo ang tensyon sa pagitan ng North Korea at Amerika.
Ito ay makaraang sabihin ng North Korea na sila ay bumubuo ng nuclear-tipped missile na kayang tumama sa Estados Unidos.
MOST READ
LATEST STORIES