Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Zambales at Bataan

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 10:00 ng umaga, yellow warning level ang umiiral sa dalawang lalawigan at nagbabala ito na maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Ang mga lalawigan naman ng Laguna, Quezon at Batangas ay makararanas din ng malakas nap ag-ulan na mayroong malakas na hangin.

Habang ang Metro Manila partikular ang Taguig, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa ang lalawigan ng Rizal at bahagi ng Cavite ay inuulan din ng malakas.

Mahina hanggang sa katamtaman naman na pag-ulan ang nararanasan sa Quezon City, Pasig, City at Caloocan; San Juan, Rosario, Taysan at Lobo sa Batangas.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas nilang rainfall advisories.

 

 

 

 

 

Read more...