Peter Lim, supplier ng droga ni Kerwin Espinosa – CIDG

 

Ang negosyanteng si Peter Lim na una nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga, ang itinuturong supplier ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa loob ng mahigit dalawang taon.

Ito ay base mismo sa mga alegasyon na nakasaad sa kasong drug trafficking na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay Lim, Espinosa at iba pa.

Nakasaad rin dito na isa sa mga transaksyon ng dalawa ay ang pagkuha ni Espinosa ng 50 kilong shabu mula kay Lim sa parking ng Cash & Carry sa Makati City noong June 7, 2015.

Minsan pa umanong tumungo sa Thailand ang dalawa para pag-usapan ang kanilang kasunduan sa kalakalan nila ng iligal na droga.

Naging maganda ang negosyo ng dalawa kaya nakayanan nilang makontrol ang kalakalan ng iligal na droga sa Central at Eastern Visayas.

Sa subpoena na ipinadala ng Department of Justice (DOJ) sa mga respondents, pinadadalo sila sa preliminary investigation sa August 14 at 17.

Maliban kina Espinosa at Lim ay kasama rin sa mga respondents ang drug lord na si Peter Co, umano’y drug supplier na si Lovely Adam Impal, Marcelo Adorco, Max Miro, Ruel Malindangan at Jun Pepito.

Read more...